Isang gabi ng Abril , nagtext si DiwangMalaya…maganda daw ang buwan…tumanaw ako sa labas, ngunit di ko nasilyana ang kanyang sang nasisislayan….ang mayroon ay mga bituwing malayang isinabog sa kalangitang madilim….ningning nila’y batid ko ay di kalian man magwawakas……
Mga bituing gabay sa langit
Ng mga naglalakabay sa gabing marikit
Aliwin yaong mga pagod ang bisig
Nang ang kariktan ng kutitap ay mamalas ng may ngiti
Sa mga labi ng mga nag-aabang ng lbukang-liwayway
Mapanganib ang paglalakbay sa gabi
Bawat hakbang at kilos ay may dapat ipagwagi
Sa tagaktak ng pawis sa gabing tahimik
Maaaring dugong didilig ang magiging kapalit
Na magdidilig sa pangarap at pag-asa
Sa pag-usbong ng bagong punla
O bituing nagririkitan sa luksa ng gabi
Ipaabot mo ang taos-kamaong pagpugay
Sa kanila na ang iyong liwanag ay gabay
Kung sa pagsapit ng bukang liwayway
Ang ilan ay mabuwal
At di masilayan ang pag-usbong ng gintong palay
Hayaang sa pusod ng kalangitan sila’y magningning
Upang sa mga magnlalakbay laging na silang kapiling
Hanggang ang bukang-liwayway ng paglaya
Ay aming sapitin!
O mga Bituin sa langit kung ito man ay dalangin
O simpleng adhikain
Ituring nyo na lang na ito’y kahilingan
- ate nong
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento